Mga sanhi ng may Sakit sa Baga at kung paano makakaiwas dito


Sakit sa baga dapat bantayan.

6 Warning signs na may sakit ka sa baga.

1: Ubo
Ang ubo natin lagpas isang buwan na ay dapat na natin ipatingin sa pinaka malapit na doctor sa ating lugar. dahil pag tumagal pa baka masugatan ang ating lalamunan at mas lumala pa ang pinsala nito.

2: Nahirapan Huminga
Puwede na may sakit na sa baga at puwede rin na ikaw ay may sakit sa puso. mapapansin mo ito kahit ikaw ay walang ginagawa. pero pagod pa rin at kahit ikaw ay nakaupo ngunit hinihingal pa rin.
posible na may sakit sa baga at sa puso dapat na natin ipatingin sa doktor. kapag may nararamdaman na tayong sintumas na ganito.

3: Plema
Kapag umuubo tayo ay laging may plema bumabahing may kasamang plema at kulay puti,dilaw, at isang buwan na rin may plema ang ubo. posible na ikaw ay may sakit sa baga. kung araw araw kayo ay inuubo na may plema. kailangan na mag patingin sa doctor.

4: Huni sa paghinga
Kung may napapansin kayo sa inyong pag hinga na parang may huni or sumisipol ang pag hinga. posible na kayo ay may hika at sakit sa baga. hindi normal na may humuhuni sa ating pag hinga kailangan ipatingin agad sa doctor kung ano ang dahilan nito.

5: Ubo na may kasamang Dugo
Ito ay napaka dilikado puwede na may sugat lang ang lalamunan, pero kung ito ay madalas na ay kailangan natin agad ipatingin ito. wag natin hayaan lumalala pa. puwede ito maging sanhi ng cancer sa baga.

6: Masakit ang Dibdib kapag Humihinga
Kapag simpleng pag hinga pero parang may kirot kayong nararamdaman. puwede may sakit kayong pulmonia or cancer sa baga kaya dapat ipatingin agad ito sa mga doktor.

Mga Dapat Iwasan Para di mag karoon ng ganitong sakit.

1:Sigarilyo
Ito ang number one na sintomas na makakasira sa ating baga kaya iwasan na natin ang paninigarilyo para makaiwas sa ganitong sakit.

2: Polusyon Usok
Kung kayo ay may sakit na sa baga. iwasan ang mga usok sa Sigarilyo usok sa pagluluto, at sa mga anong mang polusyon tungkol sa usok maaring takpan ng panyo ang bibig ilong para makaiwas na makalanghap ng usok galing sa mga lugar na napakaraming polusyon.

3: Iwas Impeksyon
Lagi mag huhugas ng kamay para iwas sa mga germs sa katawan. mag lagay lagi ng alcohol sa kamay, mag sabon sa tuwing kakain at sa pag tulog para makaiwas sa impeksyon sa ating katawan.

4: Umiwas sa maraming tao
Pag tayo ay aalis sa ating tahanan umiwas sa mga tao na lagi umubo at naninigarilyo sa ating harapan dahil puwede ka nito mahawaan ng sakit. mas makakabuti kung kayo ay may dalang takip sa bibig at ilong para mas maiwasan ang mga sakit na puwede mo makuha sa iba.

5: Mag Sipilyo
Mag sipilyo tayo mga isa hanggang dalawang beses sa isang araw. napaka halaga nito dahil inaalis ang ano mang germs sa ating bibig. dahil lahat ng ating kinakain ay dumadaan sa ating baga. kaya dapat malinis lagi ang ating bibig.


Dapat protektahan ang baga natin at dapat bantayan ang sintomas nito para sa ating kalusugan.
Wag kakalimutan mag patingin sa pinaka malapit na doctor sa ating lugar.

Magandang Buhay sa ating lahat mga Pilipino.

Post a Comment

Start typing and press Enter to search